- Lyrics
- Album list
Freddie Aguilar
-
Anak Epilog
Nung isilang ka mundong ito Laking tuwa ng magulang mo At ang kamay nila ang iyong ilaw At ang ang nanay at tatay mo “Di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog mo At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay Sa pagtimpla nang gatas mo At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong Amang tuwang-tuwa sa'yo
Ngayon nga ay malaki ka na At nais mo'y maging malaya “Di man sila payag walang magagawa Ikaw nga ay biglang nagbago Naging matigas ang iyong ulo At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na ang kanilang Ginagawa'y para sa'yo Pagka't ang nais mo'y masunod ang layaw mo “Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw at ang Landas mo'y naligaw Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo At ang una mong nilapitan ang iyong Inang lumuluha at ang tanong “Anak, ba't ka nakaganyan?”
At ang iyong mga mata'y bigla lumuha Nang di mo napapansin Pagsisisi ang sa isip mo”t nalaman mong Ika'y nagkamali Pagsisisi ang sa isip mo”t nalaman mong Ika'y nagkamali
Find more lyrics at ※ Mojim.com Kahapon ay nilimot mo Pati ang masamang bisyo Laking pasalamat ng magulang mo Ikaw nga ay tuluyang nagbago Natagpuan ang sarili Galaw ng isip mo matuwid na
Patuloy ang takbo nang araw At ikaw'y natutong umibig Hindi naglaon at ipinasya Mong lumagay ka na sa tahimik Pagka-binata mo'y natapos na Malapit ka na maging ama Kaya lalong nagsikap ng husto Dumating ang iyong hinihintay Sinilang ang panganay mo Parang langit ang iyong nadama
Ngayon anak, alam mo na Kung anong pakiramdam ng maging isang ama Ganyan din ang nadarama ng iyong Ama't ina nang ikaw ay makita
Ngayon iyong naramdaman Ngayon iyong naranasan Ngayon iyong maiintindihan Tama pala ang iyong ina Tama pala ang iyong ama Ngayon hindi ka na magtataka Hindi pala birong maging magulang O ngayon iyong dinaranas Hindi pala birong maging magulang O ngayon iyong dinaranas Hindi pala birong maging magulang O ngayon iyong dinaranas
-
|
|